Naharang ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), ang limang exotic na hayop na “Pacman frog” mula sa Malaysia.
Idineklarang “accessories” ang kargamento at nakapangalan sa isang consignee mula sa San Pedro, Laguna.
Nagkakahalagang ₱81,795 ang limang palaka na South African horn frogs na pabilog ang hugis at malaki ang bibig tulad ng sikat na video game character na “Pacman”.
Sa ngayon, ang mga nakumpiskang palaka ay naipasa sa Department of Natural Resources (DENR) para sa maayos na pag-iingat at proteksyon.
Mahaharap naman sa paglabag sa Republic Act No. 10863 o Customs Modernization and Tariff Act at Republic Act No. 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act ang mga masasangkot sa pagpasok ng Pacman frog.