Monday, April 13, 2026

Tangkang pagpupuslit ng langis sa pantalan sa Albay, naharang ng PCG

Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) na isang truck na hinihinalang sangkot sa iligal na pagbiyahe ng mga produktong petrolyo ang naharang sa Albay.

Ayon sa PCG, nahuli ito sa Tabaco Port sa Tabaco City sa gitna ng isinasagawang routine inspection at K9 paneling sa mga palabas na kargamento.

Idineklara ang mga kargamento bilang semento, bigas, at solar panel, ngunit tumambad ang langis nang inspeksiyunin ng mga awtoridad.

Aabot sa 5,400 litro ng produktong petrolyo ang laman ng truck matapos ang isinagawang imbentaryo.

Nakatakda sanang ibiyahe ang mga kargang langis patungong San Andres, Catanduanes.

Naaresto naman ang driver at pahinante na dinala sa Coast Guard Sub-Station Tabaco habang nasa kustodiya ng mga awtoridad ang truck at kargamento.

Facebook Comments