Napigilan ng militar ang tangkang pambobomba sana ng Abu Sayyaf Group sa Indanan, Sulu.
Ito ay matapos na ipagbigay-alam ng mga residente sa Joint Task Force Sulu ang nakitang isang Improvised Explosive Device, malapit sa kalsada sa nasabing lugar.
Ayon kay 11th Infantry Division at JTF Sulu Commander Major General William Gonzales, balot ng dahon ng niyog ang IED at naglalaman ito ng mortar cartridge, 90RR projectile heat, limang litrong ng Ammonium-Nitrate/Fuel-Oil, battery at improvised blasting cap na kayang makapanakit ng sibilyan mula sa layong 20-meter radius.
Ang bomba ay pinaniniwalaang gawa ng Abu Sayyaf bomb expert na si Mundi Sawadjaan, ang utak sa Jolo Cathedral bombing noong 2019.
Facebook Comments