Tangkang pang-aagaw ng karapatan sa bangkay ng napatay na NPA leader, tinuligsa ng militar

Tinuligsa ng Armed Forces of the Philippines ang tangkang pang-aagaw ng grupong Karapatan sa bangkay ng NPA leader na napatay sa enkwentro sa Panaytayan, Oriental Mindoro nitong June 13,2019.

 

Kasunod ito ng pag lutang sa PNP  Mansalay sa Oriental Mindoro ang isang Lornabeth Mapalad Galos, 49 taong gulang at residente ng Brgy. Kaligtasan, Bongabong, Oriental Mindoro na nagpakilalang kapatid ng napatay na NPA lider.

 

Ayon kay Capt. Patrick Jay Retumban, Spokesperson ng 2ID, positibo nitong kinilala ang napatay na NPA lider na si Bonifacio M. Magramo @”EBOY”, na taga Sablayan, Occidental Mindoro at kinikilalang kalihim ng Sub-Regional Military Area (SRMA) 4E sa Palawan.


 

Taliwas ito sa “claim” ng naunang umaako sa bangkay na dinala ng KARAPATAN-Southern Tagalog na si Jessica Baes Alcos na nagpakilalang anak ng isang nagngangalang Victor Alcos, na siyang ipinipilit ng Karapatan na pagkakakilalan ng bangkay.

 

Matatandaang nagsagawa ng mga protesta ang Karapatan at inaakusahan ang AFP at PNP ng panggigipit sa kanila dahil ayaw ibigay sa kanila ang nasabing bangkay ng NPA.

 

Ipaliwanag naman ng mga awtoridad sa Karapatan na kailangan munang ma-berepika ang pagkakakilanlan sa mga bangkay upang maayos itong maibigay ng naayon sa batas sa karapat-dapat na pamilya o “claimant.”

 

Ayon naman kay BGen Marceliano V. Teofilo, Commanding General ng 203 IB sa Mindoro, Ang intensyon ng Karapatan sa tangkang pang-aagaw ng bangkay ay upang maitago ang pagkamatay ng mataas na NPA leader dahil ito ay magdudulot ng demoralisasyon sa hanay ng NPA.

Facebook Comments