TANGKANG PANGHOHOLDAP SA ISANG GASOLINAHAN SA BAYAN NG DASOL, NAPURNADA

Napurnada ang tangkang panghoholdap sa Isang gasolinahan sa bayan ng Dasol.
Ito ay matapos makatakbo ang Gasoline Boy at makahingi ng tulog sa mga Pulis.
Naganap ang insidente pasado ala una ng madaling araw ng may apat na lalaking sakay ng dalawang motor na tumigil sa gasoline station sa Brgy. Bobonot.

Dito na nilapitan ng isa sa mga suspek ang Gasoline Boy na nakilalang si Edison Dela Cruz at nag deklara ng holdap.
Subalit nakatakbo si Dela Cruz at agad na naka hingi ng tulong sa mga Pulis habang dali-dali namang tumakas ang mga suspek.
Nagpapatuloy ang imbestigasyon sa pagkakakilanlan ng mga ito. |ifmnews
Facebook Comments