Tangkang paningikil ng mga NPA, napigilan matapos ang isinagawang hot pursuit operations ng militar sa Negros Oriental kahapon

Hindi naisakatuparan ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) ang tangkang pangingikil sa isang sitio sa Guihulngan City sa Negros Oriental kahapon.

Ito ay matapos itong mapigilan ng mga elemento ng 62nd Infantry Battalion.

Ayon kay Major General Benedict Arevalo, Commander ng 3rd Infantry Division, naitaboy ng kanilang tropa ang mga miyembro ng NPA dahil sa impormasyong galing mismo sa mga residente sa lugar.


Dahil dito, agad silang nakaresponde hanggang sa makaharap ang mga NPA na agad ding nagsipulasan matapos ang engkwentro.

Walang nasawi sa panig ng militar pero pinaniniwalaan namang may nasawi o nasugatan sa panig ng mga kalaban dahil sa nagkalat na dugo sa encounter site.

Samantala, nananatili namang nakaalerto ang militar sa lugar.

Nabatid na ang engkwentro kahapon ng militar sa NPA ay ika-9 na engkwentro na nito lamang buwan ng Oktubre.

Matatandaan nito lamang linggo, nakasagupa rin ng Sandatahang Lakas ang mga NPA kung saan nauwi sa pagkakapatay sa CPP-NPA Terrorist Spokersman at ranking leader na si Romeo Nanta alias Juanito Magbanua.

Facebook Comments