
Iimbestigahan na rin ng House Infrastructure Committee ang tangkang panunuhol ng isang district engineer ng Department of Public Works and Highways (DPWH) kay Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste kapalit ang paghinto nito sa ginagawang imbestigasyon ukol sa flood control projects.
Sinabi ito ni Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon na siyang chairman ng House Committee on Public Accounts na kabilang sa tatlong komite na bumubuo sa House Infra Comm na syang magsisiyasat sa palpak at maanumlyang flood control projects.
Ayon kay Ridon, hihingi sila kay Leviste ng iba pang mga detalye ukol sa insidente.
Dagdag pa ni Ridon, iimbitahan din nila ang lahat ng mga kaukulang indibidwal para makapagbigay ng dagdag pang mga impormasyon.
Facebook Comments









