Tangkang panunuhol para umatras sa reklamo ang mga kaanak ng mga nawawalang sabungero, iimbestigahan na ng DOJ

Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) ang pag-aresto sa mag-asawang nagtangkang aregluhin ang ilang kaanak ng mga nawawalang sabungero.

Kaugnay nito, iniimbestigahan na ng kagawaran kung sino ang iba pang nagtatangkang manuhol sa mga kaanak ng mga biktima.

Sabi ni DOJ Assistant Secretary Eliseo Cruz, may mga humihimok sa iba pang kaanak na iurong ang isinampang reklamo sa kagawaran.

Sinabi rin ng DOJ na isa ang pangalan ng negosyante at gaming tycoon na si Charlie “Atong” Ang sa ipinatatanggal batay sa nakasaad sa recantation.

Samantala, ibinunyag din ni Cruz na dati nang iniimbestigahan na may isang miyembro ng media na umano’y nakikialam at sinusubukang areglohin ang mga pamilya ng mga nawawalang sabungero.

Nasa isa’t kalahating milyong piso ang halaga umano ng ibinabayad sa mga kaanak kapalit ng pag-urong ng reklamo.

Mahaharap sa patung-patong na kasong obstruction of justice, perjury at grave coercion ang mag-asawang inaresto.

Facebook Comments