Manila, Philippines – Pinaiimbestigahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pinakahuling insidente ng ‘tanim-bala’ sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Matatandaang noong Biyernes, isang Kristine Bumanglag–Moran ang nagbulalas ng galit sa Facebook matapos madiskubre sa kanyang bagahe ang isang 9mm na bala.
Ayon kay Special Assistant to the President Bong Go – agad nilang tinawagan ang department of transportation (DOTr) at Manila International Airport Authority para imbestigahan ang insidente.
Inaasahang sa loob ng 24 oras ay maisusumite ang report sa pamahalaan.
Nilinaw naman ni go na hindi nahold ang pasahero at naka-biyahe pa rin ito matapos kumpiskahin sa kanya ang bala.
Bahagi ito ng standard operating procedure ng airport para maiwasan ang pagkaabala ng ilan pang mga pasahero.