Nadiskubre ng mga tauhan ng Kapangan, Benguet Municipal Police Station at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang 750 square meter land area sa Tokob, Bileng, Sagubo, Kapangan, Benguet na may tanim na 1,500 pirasong marijuana seedlings.
Sa ulat ni Philippine National Police (PNP) – Cordillera Regional Director Brigadier General Arwin Pagkalinawan, alas-5:30 ng hapon kahapon nang madiskubre ang mga taniman ng marijuana na may standard drug price na P54,000.
Bukod sa mga nadiskubreng nakatanim na marijuana seedlings, nakakuha rin ang mga pulis ng 6,700 piraso ng fully grown marijuana na nakatanim sa land area na 6,700 square meter at 100 pirasong dried marijuana leaves.
Nang isagawa ang operasyon, walang naabutang tao sa taniman ng marijuana.
Agad namang binunot at sinunog ng mga pulis at PDEA ang mga narekober na marijuana.