TANOD SINAKSAK, MATAPOS UMAWAT SA AWAY

22

Makato, Aklan- Nagtamo ng sugat sa balikat ang isang Brgy. Tanod matapos saksakin ng kapwa tanod rin kagabi sa Brgy. Dumga, Makato, Aklan.
Sa report ng Makato PNP, kasalukuyang nag aaway sina Jerry Custodio at Avelino Tugna ng inawat ng biktima na kinilala na si Nestor Cortez Tajaran, 55 anyos at residente ng nasabing lugar.
Ngunit bigla na lamang dumating ang suspek na isa ring Brgy. tanod na si Johnny Tropa Timtiman, 42 residente rin ng naturang lugar at sinaksak ang biktima kung saan tinamaan ito sa balikat.
Agad namang naisugod ang biktima at kasalukuyang nagpapagaling sa pribadong ospital sa kalibo habang naaresto naman ang suspek.
Sa follow up investigation ng mga otoridad kaninang umaga, ay narekober ang kutsilyong ginamit ni Timtiman na may habang 9 pulgada matapos nitong tinapon kagabi sa palayan.
Sa ngayon, patuloy ang negosasyon sa posibleng settlement sa magkabilang panig.

Facebook Comments