Taong 2017, ideneklara ng ASEAN bilang Tourism Year sa Asya

Manila, Philippines – Nagkasundo ang mga bansang kasapi ng Association of South East Asian Nations at ang China sa pagdedeklara sa taong 2017 bilang taon ng turismo sa rehiyon.

Layon nito na mai-promote ang inter-cultural understanding ng mga mamamayan ng bawat bansa.

Nagkasundo rin ang mga bansang kasapi ng ASEAN at ang China, na palakasin ang turismo para mas lalo pang maging mas malapit ang kultura sa Timog Silangang Asya.


Nais naman ni Singaporean Foreign Minister Dr. Vivian Balakrisgnan na maglabas ng sama-samang pahayag sa 28 ASEAN-China Summit na gagawin sa Nobyembre, para pasiglahin ang tourism cooperation.

Sa record ng Department of Foreign Affairs ng Pilipinas, nangunguna ang South Korea sa maraming nationals na namamasyal sa Pilipinas kung saan kumita ang gobyerno ng mahigit sa 221-billion pesos sa unang taon ng Duterte administration.

Facebook Comments