Taong 2019 idineklara bilang International Labor Organization Centenary Year

Inideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang International Labor Organization Centenary ang taong 2019 kasabay narin ng ika 100 taon ng selebrasyon ng ito ay mabuo noong 1919.

 

Base sa Proclamation Number 710 hinihimok ang mga local government units at ang private sector lalo na ang mga tanggapan ng Pamahalaan na mayroong kinalaman sa International Labor Organization na suportahan ang Department of Labor and Employment sa pagtiyak na magiging matagumpay ang pagdiriwang ng sentenaryo ng ILO.

 

Inatasan din ang DOLE na pangunahan ang pagsasagawa ng mga programa at mga aktibidad sa buong bansa para sa selebrasyon ng ILO entenary.


 

Pangungunahan naman ng Presidential Communications Operations Office ang information campaign at pagpopromote ng mga aktibidad at programa nito.

 

Ang ILO ay isang International Organization na kinabibilangan ng mga gobyerno, emplyers at workers.

 

Kabilang ang Pilipinas sa ILO mula pa noong 1948.

Facebook Comments