Taong 2026, dapat simulan ng Kamara ng tama sa pamamagitan ng pag-post sa website ng DPWH budget sa kada distrito

Hinamon ni Navotas Representative Toby Tiangco ang House of Representatives na simulan ng tama ang taong 2026 sa pamamagitan ng pag-post sa official website nito ng budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa kada congressional district sa buong bansa.

Sabi ni Tiangco, kasama din sa dapat isapubliko ng Kamara ang mga proyektong inendorso ng mga party-list representatives sa ilalim ng 2026 national budget.

Paliwanag ni Tiangco, sa pamamagitan nito ay mawawala ang agam-agam ng mamamayan dahil malinaw na makikita kung saan napunta ang budget at kung sino ang nagpanukala nito.

Dagdag ni Tiangco, bukod dito ay maibabalik din ang focus natin sa pag-imbestiga at pagfile ng kaso sa mga taong sangkot sa pagnanakaw sa kaban ng bayan.

Layunin ng hirit ni Tiangco na hindi na maulit ang kontrobersyal na 2025 General Appropriations Act na umano’y puno ng korapsyon.

Facebook Comments