Taumbayan na ang hahatol sa mga binabalewala ang debate ayon sa Lacson-Sotto Tandem

Aminado sila Partido Reporma presidential aspirant at Senator Panfilo Lacson at vice presidential aspirant at Senator Vicente “Tito” Sotto III na walang batas na nag-aatas na parusahan ang mga nang-iisnab o hindi dumadalo sa mga debate ng mga kandidato para ihayag sa harap ng publiko ang kanilang mga plataporma at kung paano ito dedepensahan sa harap ng mga katunggali sa halalan.

Ito ang naging sagot ng dalawang beteranong senador sa katanungan ng mga mamahayag sa isinagawang press conference sa Gapan City lalawigan ng Nueva Ecija.

Aminado si Lacson na wala pang batas nag-aatas na bigyan ng kaukulang parusa ang hindi dumadalo sa mga debate subalit maari naman itong pag-aralan kung maaring talakayin sa mababa at mataas na kapulungan ng kongreso.


Iginiit ni Lacson na may common denominator ang mga caviteño at mga taga Nueva Ecinos na pare-parehong barako na maski hindi nagkakausap ay nagkakaintindihan at mas lalong hindi umaatras na sinang-ayunan naman ni Gapan City Mayor Emeng Pascual.

Muling iginiit ni Sotto na wala ngang batas na magpapataw ng parusa para sa mga hindi dumadalo sa mga debate para maipaliwanag sa kanilang mga botante ang kanilang plano at plataporma kung sakaling palarin na manalo sa halalan.

Subalit ayon kay Sotto may kapangyarihan naman ang taumbayan sa araw ng halalan na makapag-isip kung sino ba ang kwalipikado at may sapat na plataporma para patakbuhin ang bansa para sa pagsasaayos ng gobyerno at pagsasaayos ng buhay ng mamamayang Filipino.

Facebook Comments