Pinarangalan ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Regional Director PMGen. Vicente Danao Jr., si Roberto R. Perez, 50 anyos, na residente 54 M. Roxas St., San Roque, Marikina City dahil sa kanyang hindi matatawarang katapatan at kagandahang loob na ipinamalas makaraang mag sauli ng cellphone matapos maiwan ng kaniyang pasahero sa kanyang pinapasadang tricycle.
Ayon kay PMGen. Danao, nakarating sa pamunuan ng Eastrern Police District (EPD) at NCRPO ang kahanga-hangang ginawa ni Perez kaya naman agad siyang binigyan ng pagkilala at papuri sa pamamagitan ng pagbibigay ng cash incentives, plake ng pagkilala, food assistance and health kits, EPD at NCRPO coffee mug, TNT Vest, baller, calendar at persinalized ID card.
Tumanggap rin ng samo’t saring papuri mula sa mga nitezens ang naturang driver matapos na mai-post ito sa social media
Personal mismo na iginawad ni PMGen. Vicente Danao Jr., ang mga nasabing items at taos pusong pinaabot ang kanyang pagbati sa ngalan ng buong pwersa ng NCRPO kung saan, buong kababaang loob naman nagpasalamat si Perez sa NCRPO sa pagkilala sa kanyang katapatan.
Bilang dagdag, hinikayat niya ang mga kagaya nyang drivers para maging tapat sa kanilang kapwa lalo na pagdating sa mga ganitong bagay, nangako din siya ng tutulong at susuporta sa programa ng gobyerno at ng Philippine National Police (PNP) lalo na sa pagpapatupad ng kaayusan at katahimikan sa kanyang komunidad.