TAPATAN | Batang Gilas target ang World Cup berth kontra Bahrain

Thailand – Haharapin ng Batang Gilas ngayon ang Bahrain sa pagsisimula ng knockout quarterfinals ng 2018 FIBA Asia under-18 Championship sa Bagkok, Thailand.

Isang panalo na lamang ang kailangan ng Pilipinas para makapasok sa World Cup sa susunod na taon.

Pangungunahan nina Sean Dave Ildefonso, AJ Edu at Kai Sotto ang pagnanais ng Pilipinas na wakasan ang tatlumput-anim na taong tagtuyot ng Pilipinas sa torneo.


Huling napanalunan ng mga Pinoy ang FIBA Asia under-18 noong 1972 pa.

Nakapasok ang Batang Gilas sa quarterfinals matapos pabagsakin ang 11-time champion na China, 73-63 sa kanilang huling laro para walisin ang group stage.

Facebook Comments