Manila, Philippines – Tatapatan ng mga kababaihang pulis ang gagawing kilos protesta ngayong araw ng grupong Gabriela kaugnay sa International Women’s Day sa Mendiola.
Ayon kay MPD Spokesman Superintendent Erwin Margarejo magpapakalat ang MPD ng mga kababaihang pulis sa Mendiola bilang pantapat sa gagawing kilos protesta ng grupong Gabriela kontra sa mga pang aabuso umano sa mga kababaihan.
Paliwanag ni Margarejo, maximum tolerance pa rin ang kanilang ipaiiral sa naturang kilos protesta kung saan hahayaan nilang ipahayag ng mga militanteng grupo ang kanilang mga saloobin basta at huwag lamang gagawa ng hakbang na magsasakripisyo ang taongbayan.
Giit ng opisyal pinapayagan naman nila ang mga militanteng mga kababaihan na ilahad ang kanilang mga hinaing sa gobyerno basta at huwag lamang manggulo sa naturang lugar.