TAPATAN | Nonito Donaire babalik sa Belfast, Northern Ireland; Paghahanda kontra Ryan Burnett sinimulan na

Nakatakdang bumalik sa Belfast, Northern Ireland si Nonito Donaire Jr. para paghandaan ang kampanya nito na maagaw ang WBA Unified Bantamweight Title na hawak ngayon ni Ryan Burnett.

Isa kasi ang Filipino Flash sa walong boksingerong piniling lumaban para sa ikalawang season ng Super Series of Boxing.

May record na 19 wins at wala pang talo si Burnett habang may marka naman na 38-5 na may 24 knockouts si Donaire.


Dahil mabigat ang kalaban, ngayon pa lamang ay pinaghahandaan na ni Donaire ito.

Ayon sa dating Pinoy World Boxing Champion kailangan niyang tapatan ang bilis at galing ni Burnett para makuha ang titulo nito.

Gaganapin ang Donaire vs Burnett sa Setyembre.

Facebook Comments