Manila, Philippines – Muling hinamon ni Special Assistant to the President Christopher Bong Go si Senador Antonio Trillanes IV ng one-on-one na saksakan ng ballpen.
Ito ang tugon ni Go nang hamunin siya ni Trillanes na pumirma sa isang bank waiver para malaman ang kaniyang tagong yaman.
Ayon kay Go, magiging bilyonaryo lamang siya kapag naibenta na ang ari-arian ng kanyang pamilya.
Aniya, hindi na niya kailangan magnakaw ng pera ng gobyerno at pera ng taumbayan.
Giit pa ni Go kay Trillanes, kagatin ang kanyang alok na one-on-one para matapos na ang palitan ng maanghang na salita.
Facebook Comments