TAPATANG PACQUIAO-MATTHYSSE | Coach Buboy Fernandez kay Pacquiao, wag nang patagalin ang laban kay Matthysse

Manila, Philippines – Pinayuhan umano ni coach Buboy Fernandez si Pinoy boxing Champ Manny Pacquiao na huwag nang patagalin ang laban kay Lucas Matthysse.

Aniya, sinabihan niya si Pacquiao na agad paulanan ng malalakas na suntok ang Argentine boxer kapag nakakuha ito ng tiyempo.

Sa ngayon, 85 percent nang naka-kondisyon ang fighting senator, 20 araw bago ang bakbakan nila ni Matthysse.


Facebook Comments