Manila, Philippines – Tuloy ang laban.
Ito ang sinabi ngayon ni Pambasang Kamao Manny Pacquiao sa kabila ng mga lumalabas na balitang kanselado ito dahil sa hindi nabayaran ang kampo ni Argentinian Boxer Lucas Matthysse.
Ayon kay Pacquiao, walang dahilan para hindi matuloy ang world title fight dahil nabayaran na ang kampo ni Matthysse base sa pinirmahan nilang kontrata.
Sinabi pa ni Pacman na hindi na siya nagpapaapekto sa mga taong nais sumira sa nakatakdang laban niya kay Matthysse sa Hulyo 15 sa Kuala Lumpur Malaysia.
At kahit na may mga taong hindi na naniniwalang hindi matutuloy ang laban dahil sa kawalan daw ng pondo ay hinahayaan na lamang niya ang mga ito.
Sa huli, pinasalamatan din niya si dating Mexican Superstar Oscar Dela Hoya dahil sa ginawa nitong effort para i-promote ang kaniyang nalalapit na laban.