Manila, Philippines – Nakatakda nang magsimula si Manny Pacquiao sa susunod
na linggo matapos ang pagdinig sa P8.7 billion na road right of way scam.
Ito ay bilang paghahanda niya sa laban kontra Argentinian boxer na si Lucas
Matthysse sa darating na June 24 sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Una nang sinabi ni Pacquiao na wala siyang pinalabas na statement kung sino
ang gagawing coach, taliwas sa lumabas na balita na hindi na kukunin ang
serbsiyo ni Freddie Roach.
Nabatid na inuuna lang ni Pacman ang kaniyang MP promotions na hahawak sa
laban kay Matthysse at hindi ang promotion company ng top rank ni Bob Arum.
Tulad ng nagdaang mga laban, sisimulan ni Manny ang training sa Gensan
partikular sa kaniyang Pacman Wild Card Gym kung saan uunahin nito ang
kaniyang foot working.
<#m_3806305349024021022_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>