TAPATANG PACQUIAO – MATTHYSSE | Manny Pacquiao, sisimulan na ang training sa susunod na buwan

Manila, Philippines – Sa susunod na buwan na magsisimula ang training ni pambansang kamao Manny Pacquiao para sa laban nito kontra kay Lucas Matthysse ng Argentina.

Magsisimula si Pacquaio sa Wild Card Gym sa General Santos City kung saan tutungo siya sa Manila sa May 14 para ipagpatuloy ang training hanggang June 1.

Matapos nito, muli siyang babalik sa GenSan para huling stage ng kaniyang training.


Magaganap ang laban nina Pacquiao at Mattyhsse sa June 14 sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Facebook Comments