TAPATANG PACQUIAO-MATTHYSSE | Manny Pacquiao, todo ingat sa pagsasanay para sa laban kay Lucas Matthysse

Manila, Philippines – Aminado ngayon si Manny Pacquiao na nag-iingat siya sa kaniyang training para sa darating niyang laban kontra sa Argentine na si Lucas Matthysse.

Sinabi ni Pacquiao, na nagsisimula siya sa mga light training kung saan hindi daw nito binibigla ang sarili lalo na at hindi na siya tulad ng dati noong bata pa.

Nabatid na nagsimula na muli si Pacquiao sa kaniyang pag-eensayo matapos ang isang taong pahinga para paghandaan ang nasabing laban.


Dagdag pa ni Pacquiao na importante sa kaniya ang darating na laban dahil kailangan niyang bumangon mula sa pagkatalo mula sa Australian boxer na si Jeff Horn.

Magaganap ang laban nina Pacquiao at Matthysse sa Kuala Lumpur, Malaysia sa darating na Hulyo 15 para sa World Boxing Association (WBA) welterweight championship belt.

Facebook Comments