TAPATANG PACQUIAO-MATTHYSSE | Pacquiao, may payo kay Matthysse para sa kanilang July bout

Manila, Philippines – “Work hard.”

Ito ang maikling payo ni Pinoy Boxing Champ Manny Pacquiao kay Argetine Boxer Lucas Matthysse para sa kanilang laban sa July 15 sa Malaysia.

Sabi ni Pacquiao, sipag sa training ang naging sikreto niya kaya napanatili niya ang magandang kondisyon sa boxing sa kabila ng kanyang edad.


Balik-training na ngayong araw ang fighting senator matapos na makapagpahinga kahapon.

Habang bukas, inaasahang sasabak na siya sa 10-round sparring sessions.

Facebook Comments