TAPATANG PACQUIAO – MATTYSSE | Pacquiao, tinawag na underdog ang sarili

95

Manila, Philippines – Sinabi ng pambansang kamao na si Senator Manny Pacquiao na itinuturing niya ang sarili bilang underdog sa tapatang Pacquiao – Mattysse sa darating na Hunyo 24 sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Ayon kay Pacquiao, magiging mahigpit ang laban niya kay Lucas Matthysse dahil kilala rin ito bilang ‘knockout artist’ na mayroong 39 na labang naipanalo.


Ito aniya ang ginagawa niyang inspirasyon sa kasalukuyan upang mas lalong pagigihan ang ginagawa niyang pagsasanay.

Samantala, hindi naman nagkomento ang pambansang kamao sa usapin ng pagkakaalis ni Coach Freddie Roach sa kaniyang training camp matapos ang 17 taon.

Facebook Comments

From Advertisers