TAPOS NA | 2018 Bar examinations, pormal nang nagtapos

Manila, Philippines – Natapos na ang Bar examinations para sa mga nais maging abugado ngayong taon.

Sa huling tala, mula sa 8,701 aplikante, tanging 8,156 lamang ang sumipot sa huling araw ng examination.

Batay sa record ng Office of the Bar Confidant, 543 ang hindi pumunta sa unang araw ng bar exams, kung saan political law, international law, labor law at social legislation ang focus ng pagsusulit.


Nabawasan naman ng dalawang examinees ang ikalawang linggo ng Bar exams kaya ang pinal na bilang ay nasa 8,156.

Civil law at taxation law ang coverage ang tinutukan sa ikalawang linggo ng pagsusulit habang mercantile law at criminal law naman sa ikatlong araw.

Bagaman at aabutin pa ng susunod na taon bago malaman ang resulta ng examination, isa na anilang tagumpay na matapos ang exam na itinuturing na isa sa pinakamahirap na pagsusulit sa bansa.

Facebook Comments