TAPOS NA | Gusali para sa mga batang may kapansanan sa Quezon City, nagawa na

Manila, Philippines – Nakumpleto na ng Department of Public Works and Highways o DPWH ang isang 3-storey building sa Quezon City na idinisenyo para matulungan ang mga batang may kapansanan.

Base sa inilabas na report ng DPWH Main Office sa Maynila, sinabi ni DPWH National Capital Region Director Melvin Navarro na 15 million pesos ang kabuuang halaga na inilaan sa pag papatayo ng Kabahagi Resource Center Building sa Batasan- San Mateo Road – IBP Road, Brgy. Batasan Hills, District II, Quezon City.
Dagdag pa ni Dir. Navarro matutulungan ng nasabing gusali ang Lungsod Quezon na makapagbigay ng mas maayos na Social Services na kailangan para mas maiayos ang Health, Physical Fitness, Economic at Social Well-Being ng mga kabataang may kapansanan.

Paliwanag ng opisyal kasya ang isang daang batang may kapansanan sa Kabahagi Resource Center Building.


Facebook Comments