TAPOS NA | Imbestigasyon ng DOJ sa kontratang pinasok ng Nayong Pilipino Foundation, tapos na

Manila, Philippines – Tapos na ang imbestigasyon ng Department of Justice sa kontrobersyal na kontratang pinasok ng Nayong Pilipino Foundation sa Landing Resorts Philippine Development Corporation.

Sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na isinumite na niya kay Pangulong Rodrigo Duterte ang resulta ng kanilang imbestigasyon at mga rekomendasyon.

Tumanggi muna si Guevarra na magbigay ng karagdagang detalye at sa halip ay pinauubaya na aniya nila sa Malakanyang ang aksyon batay sa kanilang rekomendasyon.


Magugunitang noong Agosto 7, sinibak ni Pangulong Duterte ang lahat ng miembro ng board ng Nayong Pilipino Foundation dahil sa kontrobersyal na kontrata sa landing resort na nagkakahalaga ng 1.5 billion U-S dollars kung saan nadehado ang gobyerno sa 70 taon kontrata sa government property sa Parañaque.

Facebook Comments