TAPOS NA | Kaso ng pagpatay kay Father Richmond Nilo, naresolba na – PNP

Nueva Ecija – Itinuturing ng Philippine National Police na tapos o naresolba na ang kaso sa pagpatay kay Father Richmond Nilo noong June 10,2018 sa Zaragoza Nueva Ecija.

Ayon kay PNP Region 3 Regional Director Police Chief Supt Amador Corpuz natukoy na mismo ang gunman sa krimen.

Ito ay matapos ang isinagawang self confessed nang isa sa mga suspek na si Omar Mallari na inaming sya ang bumaril kay Father Richmond Nilo.


Kasabwat ni Mallari sina Manuel Torres, Ronaldo Garcia at Marius Alvis na ngayon ay nasa kustodiya na ng PNP Nueva Ecija.

Habang ang nakitang motibo ng PNP sa krimen ay ang galit ni Manuel Torres, isa mga suspek kay Father Nilo dahil sa pagudyok nito sa mga umano ay minolestya ni Christopher Torres pamangkin ni Manuel Torres at seminarista sa St. Vincent Ferrer Parish church in Zaragoza, Nueva Ecija.

Sinabi ni Corpuz na nagalit si Manuel Torres kay Father Nilo dahil hindi natuloy sa pagpapari ang kanyang pamangkin dahil sa pagtulong ng pari sa tatlong seminarista na minolestya umano ni Christopher Torres.

Pinangakuan ni Manuel Torres si Omar Mallari ng 100,000 piso pero 80,000 lang ang naibigay sa gunman dahil sa naaresto na ito.

Sa kabila naman ng pag-amin ni Omar Mallari na sya ang gunman at pagtukoy sa motibo ng pamamaslan nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng PNP Region 3 sa krimen.

Facebook Comments