Natapos na ng Commission on Election ang pag-iimprenta sa mga balotang gagamitin para sa plebesito ng Bangsamoro Organic Law.
Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez – sa loob lang ng tatlong araw, nakumpleto nila ang pag-iimprenta sa 2.8 milyong mga balota
Kaya sa pagpasok ng 2019, ipadadala na nila sa mga lugar na saklaw ng panukalang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ang mga balota na natapos na rin nilang isailalim sa berepikasyon.
Kabilang rito ang Cotabato City, Aleosan, Carmen, Kabacan, Midsayap, Pikit at Pigkawayan sa North Cotabato; bayan ng Isabela sa Basilan at mga lalawigan sa ilalim ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).
Idaraos sa Enero 21, 2019 ang BOL plebiscite sa mga nasabing lugar habang sa Pebrero 6, 2019 sa nasa 103 pang mga lugar na layong isailalim sa BOL.