Tapusin ang local communist armed conflict prayoridad ng AFP ngayong 2019

Tututukan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ngayong taong 2019 ay ang mga paraan para tuluyang matigil na ang local communist armed conflict o ang gyera sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at Communist Party of Philippines-New Peoples Army o CPP-NPA.

Ayon kay AFP Chief of Staff General Benjamin Madrigal, susuportahan nila ang binuong national task force na layunin ay tapusin na ang local communist armed conflict.

Sa ngayon aniya tuloy-tuloy ang mga pagpupulong at tinatalakay ang mga mekanismo para maging maganda ang operasyon ng national task force.


Suportado rin daw ng AFP ang Bangsamoro Basic Law (BBL) na malaking tulong para magkaroon ng matagal ng inaasam na pangmatagalang kapayapaan.

Naniniwala rin si Madrigal na hindi kakayanin ng AFP ang problema sa insurgency ito aniya ay dapat na pinagtutulungan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno maging ng publiko.

Facebook Comments