TAPUSIN NA | 2018 national budget, target malagdaan bago mag-Pasko

Manila, Philippines – Target ng Senado at Kamara na malagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang P3.7 trilyong national budget para sa taong 2018 bago ang araw ng Pasko.

Ayon kay House Appropriations Committee Chair Karlo Alexi Nograles, target nila na malagdaan ito ng Pangulo sa December 19.

Aniya, kayang maratipikahan ito bago mag-break ang sesyon ng Kongreso sa December 13.


Facebook Comments