Manila, Philippines – Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pulis at mga sundalo na pulbusin na at tapusin na ang New People’s Army o NPA na itinuturing nang isang teroristang grupo.
Ito ay kasabay narin ng pagkundena ni Pangulong Duterte sa pinakahuling pananambang ng teroristang NPA sa tropa ng Philippine Army na nagsasagawa ng Humanitarian Mission sa mga biktima ng bagyong Urduja sa Northern Samar.
Ayon sa Pangulo, wala talang saysay para makipagusap pa sa mga ito at sa katunayan ay sinabi pa ng pangulo na sick and tired na siya sa pakikipagusap sa NPA.
Sinabi pa ni pangulong Dutere na halos pareso na ang NPA ng international Terrorist Group na ISIS dahil sa mga ginagawa nitong pag-atake.
Matatandaan na sinabi ng Malacañang na hindi magdedeklara ng suspension of military operations ang gobyerno laban sa NPA upang hindi mabigyan ng pagkakataon ang mga ito na magpalakas at umatake sa tropa ng pamahalaan.
TAPUSIN NA | Pag-ubos sa NPA, pinamamadali na ni Pangulong Duterte
Facebook Comments