Tapyas-presyo sa ilang produktong langis, kasado na bukas!

100

Kasado na simula bukas, December 28 ang bawas-presyo sa ilang produktong langis sa bansa.

Batay sa abiso, ang ipapatupad na price adjustment ay ang sumusunod:

Sa Caltex, magsisimula ang tapyas-presyo mamayang alas-12:01 ng hatinggabi kung saan P0.20 ang mababawas sa kada litro ng gasolina; P0.65 sa kada litro ng diesel at P0.85 sa kada litro ng kerosene.


Alas-6 ng umaga naman magbabawas-presyo ang Shell, Seaoil at PetroGazz kung saan P0.20 ang mababawas sa kada litro ng gasolina; P0.65 sa kada litro ng diesel at P0.85 sa kada litro ng kerosene.

Habang ang Cleanfuel ay bukas na ng alas-8:01 ng umaga magkakaroon ng tapyas-presyo partikular sa gasolina na may P0.20 kada litrong ibabawas at P0.65 sa kada litro ng diesel.

Ang rollback ay bunsod ng pagbagsak ng preyo ng langis sa world market.



Facebook Comments