Asahan na ang bawas-presyo sa produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ayon sa oil expert na si Chito Villavicencio – maglalaro sa P2.50 hanggang P3.50 ang maaaring rollback sa gasolina at diesel pagsapit ng Martes.
Batay sa naunang trading sa world market – nasa P2.82/litro na ang ibinagsak sa presyo ng gasolina habang P2.71/litro naman sa diesel.
Paliwanag ni Villavicencio – ang rollback ay posibleng dahil sa away sa kalakalan ng mga dambuhalang bansa.
Samantala, nauna na ang Petro Gazz sa Mandaluyong City at Silang, Cavite, na nagpatupad ng P2 rollback sa kada litro sa diesel at gasolina.
Facebook Comments