Tapyas-presyo sa produktong petrolyo, ipatutupad simula bukas

Matapos ang serye ng oil price hike, ilang kompanya ng langis ang magkakaroon ng bawas sa presyo ng kanilang mga produkto sa Martes, Abril 2.

Ayon sa Petro Gazz at Shell, mayroon silang P0.30 tapyas sa kada litro ng diesel at P0.10 naman sa kada litro ng gasolina.

Babawasan din ng Shell ng P0.20 ang kada litro ng kanilang kerosene.


Magiging epektibo ang mga bagong presyo alas-6 ng umaga ng Martes.

Inaasahan namang susunod ring mag-aanunsyo ng rollback ang iba pang kompaniya ng langis.

Samantala, magpapatupad naman ng dagdag presyo sa kanilang produkto ang ilang kompanya ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) ngayong araw.

Epektibo alas-12:01 ng hating gabi ang P1.25 taas presyo ng Petron sa kada kilogram ng kanilang LPG at P0.70 ang kada litro ng kanilang auto-LPG.

Simula naman alas-6 ng umaga, tataasan ng Solane ng P1.14 ang kada kilogram ng kanilang LPG.

Facebook Comments