TAPYAS SA PRESYO NG LANGIS, MULING BABABA; PRESYO NAMAN NG LPG SA PANGASINAN, TUMAAS

Muling mararanasan ng mga motorista ang bawas presyo ng mga langis ngayong araw, ika-17 ng Oktubre ayon sa mga oil companies.
Nakatakdang magtapyas ang mga oil companies gaya ng Seaoil, Cleanfuel at Petro Gazz kung saan ayon sa kanilang inilabas na price range parehong may ₱0.95 sentimong bawas o tapyas sa mga langis na Diesel at Keresone habang may bahagyang pagtaas naman ang gasolina na nasa ₱0.55 sentimo.
Nagbawas ng presyo ang mga kumpanyang Seaoil, Jetti, Phoenix at Petro Gazz kaninang alas-sais ng umaga habang ang Cleanfuel naman ay nag-adjust ng 12:01AM.

Sa pagtatanong-tanong ng IFM Dagupan sa mga drivers sa Dagupan City na bagamat may kaunting dagdag singil sa gasolina ay laking tulong parin ito kumpara sa mga nakaraang linggo na lampas piso ang dagdag.
Samantala, sa kabila ng pagbaba ng presyo ng mga langis ay nakitaan naman ng paggalaw ang presyo ng mga LPG sa lalawigan ng Pangasinan.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan sa ilang nagbebenta ng LPG, ngayong buwan ng Oktubre tumaas ng ₱30-40 ang presyo ng gasul kung saan nasa ₱860-870 ang presyo kada tangke. Dagdag pa nila naiitindihan nila ang mga daing ng customers sa taas at minsan anila nagbibigay naman sila ng ₱10 na diskwento sa mga regular na customers.
Paliwanag na mga ito na sumusunod lamang sila sa ibinababa sa kanila ng mga pinagkukunan nilang planta kung kaya’t wala din silang magagawa. |ifmnews
Facebook Comments