Tiwala si house Speaker Ferdinand Martin Romualdez na makakabawas sa presyo ng bigas ang tapyas sa taripa sa imported na bigas gayundin ang pagbebenta ng bigas sa mga Kadiwa stores.
Kaya naman buo ang suporta ni Romualdez sa desisyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ibaba sa 15 percent ang 35 porsyebto na taripa na ipinapataw sa imported na bigas.
Kaugnay nito ay tiniyak ni Romualdez, na hindi mababawasan ang tulong na natatanggap ng mga magsasaka sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) dahil may naipon nang pondo para dito sa mga nakaraang buwan.
Binanggit din ni Romualdez ang pangangailangan na maibalik ang mandato ng National Food Authority na makapag-angkat ng bigas na maaaring ibenta sa Kadiwa center sa murang halaga.
Ang nabanggit na panukala ay naipasa na sa Kamara pero nakabinbin pa sa Senado.