Tara system sa BOC, tila nalipat sa BuCor

Manila, Philippines – Dismayado si Senator Panfilo Ping Lacson na tila nalipat na sa Bureau of Corrections (BuCor) ang tara system na umiiral sa Bureau of Customs (BOC)

Sinabi ito ni Lacson makaraang mabulgar na mayroon ng release order para kay dating Calauan Mayor Antonio Sanchez na ang petsa ay August 20 pero hindi ito natuloy makaraang lumabas sa media at umani ng pagtutol.

Giit ni Senator Lacson, mukhang mula sa pagpapalabas ng mga smuggled good sa customs ngayon naman ay pagpapalabas ng mga convicts sa BuCor ang nangyayari.


Magugunita na ang kasalukuyang director ng BuCor na si Nicanor Faeldon ay dating customs commissioner na napalitan matapos makalusot sa BOC ang multibilyong pisong halaga ng shabu at nabulgar na patuloy na umiiral na tara system.

Sinabi naman ni Senate minority floor leader Franklin Drilon na kung hindi nai-report ng media ay malamang nakalaya na si Sanchez.

Ayon kay Senate President Tito Sotto III, sa isasagawang imbestigasyon ng Senado ay bubusisiin nila kung sino ang mga nagkunsidera na si Sanchez ay isa sa mga dapat maagang palayain sa ilalim ng good conduct time allowance (GCTA) sa kabila ng kasong rape at murder nito at mga paglabag na ginawa sa loob ng kulungan.

Facebook Comments