Manila, Philippines – Nagsagawa ng taraweeh prayers ang mga kapatid nating muslim sa ibat-ibang lugar sa Mindanao partikular na sa Iligan, Cotabato at Maguindanao.
Ang taraweeh ay dinadasal tuwing ramadan bago maghatinggabi.
Kasama ng mga kapatid nating muslim na nagdasal ang mga pamilya na lumikas sa Marawi.
Sa kanilang panalangin – hiniling nila na sana’y matapos na ang giyera at maibalik na ang kapayapaan sa Marawi City at sa buong bansa.
Kabilang sa mga nag-organisa ng “taraweeh prayers for Marawi” ang ilang international group na nakatutok sa mga refugee na nawalan ng tirahan dahil sa nagpapatuloy na bakbakan.
Nitong Martes, ipinagdiwang ang world refugee day na itinaon din sa simultaneous taraweeh prayers sa bansa.
Facebook Comments