Nalagpasan ng National telecommunications Commission (NTC) ang target collection nito para sa taong 2021.
Sa report ng NTC, umabot na sa lagpas na P2.29 billion o 43.5 percent ang kanilang koleksyon para sa taong ito.
Habang ang actual collection ng NTC ay umabot na sa P7.57 billion nitong October 15, 2021 na lagpas na sa target collection na P5.27 billion.
Ito na ang ika-anim na sunod na taong lumagpas ang koleksyon ng NTC sa kanilang target.
Nagpasalamat naman si NTC Commissioner Gamaliel Cordoba sa bumubuo ng NTC at ng Department of Information and Communications Technology (DICT).
Ang NTC ang ahensya ng gobyerno na nagre-regulate sa mga cable at commercial television operator, broadcast radio stations, telecommunications companies, at commercial and portable radio operators.