Nalampasan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang kanilang target collections sa tobacco excise tax para sa buwan ng Pebrero.
Ayon kay BIR Deputy Commissioner Arnel Guballa, ito ay matapos magbayad ng higit sa doble ng kanilang buwis o katumbas ng P10.94 billion ang Japan Tobacco International (JTI) kasunod ng pagbubukas nito ng bagong planta sa Lima, Batangas.
Dahil dito, inaasahan ng Department of Finance (DOF) na malalampasan ng BIR ang P2.08 trillion na buwis mula sa tobacco ang makokolekta ngayong taon.
Facebook Comments