Ibinaba ng pamahalaan ang Gross Domestic Product (GDP) o target na paglago ng ekonomiya ng Pilipinas ngayong 2024.
Sa Malacañang press briefing, sinabi ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balasican na inadjust sa 6% hanggang 7% ang target GDP ng bansa mula sa 6.5% hanggang 7.5%
Ayon kay Balisacan, isa sa mga dahilan ng paggalaw ng GDP target ang performance ng bansa sa nagdaang fiscal year.
Kabilang din sa mga isinaalang-alang ang developments sa global economy, tulad ng global finance at economic slowdown, pagtaas ng presyo ng langis, at ang inflation rate sa Pilipinas at iba pang bansa na major trade partner nito.
Gayunpaman, tiniyak ni Balisacan na hindi ito makakaapekto sa target na single-digit poverty rate at pag-angat ng Pilipinas bilang upper-middle income country sa 2028.
Ang adjusted GDP growth ay maituturing pa rin aniyang mataas para sa ekonomiya ng bansa at sa Asia Pacific region, at nangangahlugan ng masiglang trabaho para sa mga Pilipino.