Kumpiyansa ang pamahalaan na maaabot nito ang target ng 100 million na mga Pilipinong mababakunahan sa bansa bago matapos ang buwang kasalukuyan.
Inihayag ito ni National Task Force -Special Adviser Dr. Ted Herbosa sa ambush interview sa NAIA.
Kinumpirma rin ni Herbosa na umabot na sa 92.5 million doses ng mga bakuna kontra COVID-19 ang naipasok na sa Pilipinas.
Anya, 52 million nito ang naipamahagi na sa mga Pilipino sa bansa kung saan 32% o 24 million na ang fully vaccinated sa Pilipinas
28 million o 28% naman ang tumanggap na ng first dose.
Sa NCR aniya, 80% na ang fully vaccinated at 90% naman ang tumanggap ng first dose.
Facebook Comments