Target mabakunahan na 100 million Pilipino, maaabot bago matapos ang buwang kasalukuyan

50

Kumpiyansa ang pamahalaan na maaabot nito ang target ng 100 million na mga Pilipinong mababakunahan sa bansa bago matapos ang buwang kasalukuyan.

Inihayag ito ni National Task Force -Special Adviser Dr. Ted Herbosa sa ambush interview sa NAIA.

Kinumpirma rin ni Herbosa na umabot na sa 92.5 million doses ng mga bakuna kontra COVID-19 ang naipasok na sa Pilipinas.


Anya, 52 million nito ang naipamahagi na sa mga Pilipino sa bansa kung saan 32% o 24 million na ang fully vaccinated sa Pilipinas

28 million o 28% naman ang tumanggap na ng first dose.

Sa NCR aniya, 80% na ang fully vaccinated at 90% naman ang tumanggap ng first dose.



Facebook Comments