TARGET MAKALABAN | Vasyl Lomachenko ng Ukraine, target ni Manny Pacquiao na sunod na makalaban sakaling manalo kontra kay Lucas Matthysse ng Argentina

Manila, Philippines – Target daw ngayon ni Manny Pacquiao na makalaban si Ukrainian Champion Vasyl Lomachenko sakalaing manalo ito kontra kay Lucas Matthysse ng Argentina sa darating na Hulyo 14 sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Ito ang inihayag ni Top Rank Big Boss Bob Arum kung saan mismong si Pacquiao daw ang nagsabi nito sa kaniya.

Naniniwala din si Arum na isang magandang laban ang paghaharap ni Manny kay Matthysse kung saan para sa kaniya hindi dapat balewalahin ang lakas at bilis ng Argentinian boxer.
Sa huli sinabi pa ni Arum na kahit na hindi na ang top rank ang hahawak sa laban ni Pacquiao, nananatili pa rin naman daw silang magkaibigan at maaari pa muling maging magka-trabaho sa darating na panahon.


Facebook Comments