Sa ibinahaging impormasyon ng Isabela Public Information Office, umabot na sa kabuuang 1,062,300 – lagpas na sa isang milyong target ng bamboo propagules para sa proyekto.
Ito ay matapos may karagdagang 80,000 bamboo propagules ang ipinangako ng iba’t ibang stakeholder noong Oktubre 13, 2022.
May iba pang mga stakeholders ang nangakong magbibigay pa ng mga bamboo propagules ngunit di pa nagbigay ng eksaktong bilang.
Samantala, nangako naman ang 5th Infantry Division of the Philippine Army na magbibigay ng assistance at security sa araw ng nasabing tree-planting activity.
Makalipas ang mahigit dalawang taon, bubuhayin ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela ang kanilang legacy na tree planting project na tinawag na One Million Trees in One Day project, na naglalayong ibalik ang mga nasirang kagubatan dahil sa wildfire at malawakang pagbaha dulot ng nagdaang Bagyong Ulysses, ngunit ssa pagkakataong naman ito ay mga kawayan ang itatanim.
Kinilala naman at pinasalamatan ni Provincial Administrator Atty. Noel Manuel R. Lopez ang mga stakeholders na nagbigay ng tulong at suporta sa kampanya ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela tungo sa rehabilitasyon ng Northern Sierra Madre.