Target na 30,000 COVID-19 daily testing capacity, naabot na ng Pilipinas

Naabot na ng Pilipinas ang target nitong 30,000 COVID-19 tests kada araw.

Sa isang televised briefing, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na umabot sa 32,100 ang daily testing capacity ng bansa hanggang nitong May 20, 2020.

Batay sa online tracker ng Department of Health (DOH), umabot na sa mahigit 272,000 na indibidwal ang na-test para sa COVID-19 hanggang May 23, 2020.


Target naman ng bansa na magkaroon ng 66 na COVID-19 testing laboratories sa katapusan ng buwan.

Plano rin ng pamahalaan na ma-test ang 2% ng populasyon ng bansa para matukoy ang lawak ng COVID-19 outbreak sa Pilipinas.

Facebook Comments